Magboluntaryo sa Programang Embahador para sa Pagtataguyod ng Senso (Census Goodwill Ambassador Program)

Ang programang Embahador para sa Pagtataguyod ng Senso (Census Goodwill Ambassador, CGA) ay isang pagtutulungan ng Lungsod at County ng Los Angeles para kumuha, magsanay, at magpadala ng mga boluntaryo para magbigay ng kaalaman at motibasyon sa mga mahirap-na-bilangin na populasyon bago ang Senso ng 2020.Programang Embahador para sa Pagtataguyod ng Senso (Census Goodwill Ambassador Program).

Pupunta ang mga CGA sa mga kapitbahayan, lalapit sa mga taga-Los Angeles para magbigay ng kaalaman sa kanila tungkol sa kung paano tinutukoy ng data ng senso ang pederal na pagpondo para sa ating mga paaralan, mga serbisyong panlipunan at pangkalusugan, at impraestruktura.

Kung may oras kang maibabahagi sa iyong komunidad, dapat mong isaalang-alang na maging isang Embahador para sa Pagtataguyod ng Senso (Census Goodwill Ambassador)*. Ang mga sumusunod ay ilan sa maaari mong gawin bilang isang CGA na nagsisikap para matiyak ang isang patas at tumpak na pagbilang:

  • Tumao sa Census Action Kiosk (Puwesto sa Pagkilos para sa Senso, CAK) para magbigay ng kaalaman sa mga miyembro ng komunidad tungkol sa senso, tugunan ang kanilang mga alalahanin, at/o para tulungan silang punan ang survey ng senso mismo.
  • Manguna sa pag-oorganisa ng isang kaganapan sa iyong kapitbahayan para pag-usapan ang kahalagahan ng 2020 Senso at himukin ang mga tao na lumahok.
  • Magboluntaryo sa mga kaganapan ng Lungsod at/o County para itaguyod ang 2020 Senso.
  • Ibahagi/i-repost ang nilalaman at impormasyon sa social media para himukin ang pakikilahok sa 2020 Senso.
  • Mag-imbita ng maraming embahador: kailangan natin ng maraming CGA hanggang kaya!

Magsisimula ang pagsasanay ngayong panahon ng taglagas. Mag-apply dito.

Para sa anumang mga katanungan, makipag-ugnayan sa Mayor.LACensus2020@lacity.org.

*Kailangang 18 taong gulang ka para lumahok sa halos lahat ng aktibidad ng CGA Program; maaaring payagan ang iba para sa mga espesyal na inisyatiba.