Sa panahon ng pagbilang ng Senso, kailangang manatiling mapagbantay ang lahat para maiwasan ang mga scam na idinisenyo para nakawin ang mahalagang personal na impormasyon ng isang indibidwal. Narito ang ilang mga tip para magbantay laban sa pagnanakaw ng identidad na may kinalaman sa Senso.
Personal:
Bibisita lamang ang mga opisyal ng kawani ng Senso (kilala bilang mga enumerator) sa mga sambahayang hindi sumagot sa kanilang mga survey ng senso sa takdang oras (Mayo-Hulyo 2020). Kung may kumatok sa iyong pinto bago ang panahong ito at nagpapakilalang isang kawani ng Senso, huwag makipag-ugnayan sa kanila.
Kung binisita ka ng isang enumerator mula sa Kawanihan ng Senso dahil hindi mo nasagutan ang iyong survey, kinakailangan nilang:
- Magpakita ng isang ID Badge na may larawan nila, watermark ng Departamento ng Kalakalan (Department of Commerce), at isang petsa ng pagkawalang-bisa;
- Ibigay ang impormasyon sa pakikipag-ugnayan ng kanilang superbisor maliban sa numero ng telepono ng rehiyonal na tanggapan para sa beripikasyon, kung hihilingin;
- Magbigay ng isang liham mula sa Direktor ng Kawanihan ng Senso na may letterhead ng Kawanihan ng Senso ng U.S.; maaari ding may dala-dalang laptop at bag ang mga enumerator na may logo ng Kawanihan ng Senso.
Kung hindi ka pa rin nakakatiyak, tawagan ang Los Angeles Regional Census Office sa (818) 267-1700 o (800) 992-3530 para beripikahin kung ang isang tao ay lehitimong empleyado ng Kawanihan ng Senso. Maaari mo ring saliksikin ang kanilang pangalan sa website ng Paghanap ng Tauhan ng Kawanihan ng Senso (Census Bureau Staff Search).
Online:
Tinatawag na phishing ang pagpapanggap ng isang hacker na isa siyang entidad na iyong pinagkakatiwalaan para makuha ang iyong pribadong impormasyon (username, password, at numero ng social security). Sa unang pagkakataon, magiging online ang Senso ng 2020 at susubukin ng mga scammer na samantalahin ito. Mahalagang malaman mo na hindi magpapadala sa iyo ang Kawanihan ng Senso ng U.S. ng isang email.
Kung makakuha ka ng isang email, huwag tumugon, mag-click sa anumang mga link, o buksan ang anumang mga attachment. I-forward ang email sa Kawanihan ng Senso sa ois.fraud.reporting@census.gov at i-delete ang mensahe. Sa pagsagot sa palatanungan, tiyakin na ikaw ay nasa tama at ligtas na website ng Senso.
Sa liham:
Dagdag sa kinakailangang pagbilang sa lahat ng taong naninirahan sa Estados Unidos kada 10 taon, nagsasagawa ang Kawanihan ng Senso ng U.S.ng daan-daang iba pang survey kada taon. Kung makatanggap ka ng liham mula sa Kawanihan ng Senso ng U.S., ang return address ay dapat mula sa Jeffersonville, Indiana. Kung hindi mo tiyak kung may bisa ba ang isang liham o form, tawagan ang Panrehiyong Tanggapan para sa Senso ng Los Angeles (Los Angeles Regional Census Office) sa (818) 267-1700 o nang walang bayad sa 1-800-992-3530, o magpadala ng email sa Los.Angeles.Regional.Office@census.gov.
Sa telepono:
Kung tumanggap ka ng isang tawag, kailangan mong tiyakin na ang taong nasa linya ay isang opisyal ng Senso sa pamamagitan ng paghiling ng kanilang ID badge para makumpirma mo sila sa website ng Paghanap ng Tauhan ng Kawanihan ng Senso (Census Bureau Staff Search).