Ipinagbabawal ng Titulo 13 ng Kodigo ng U.S. na magbahagi ang Kawanihan ng Senso ng iniuulat mong impormasyon ng pagkakakilanlan sa anumang ibang ahensiya o sinumang opisyal ng pamahalaan (kabilang ang mga opisyal ng imigrasyon o anumang ahensiya ng pagpapatupad ng batas), panlabas na entidad, o hukuman ng batas para sa anumang dahilan.
Tinitiyak ng Batas sa Pagpapabuti ng Cybersecurity ng Pederal na Pamahalaan (Federal Cybersecurity Enhancement Act) ng 2015 na protektado ang iyong impormasyon at data mula sa mga panlabas na panganib sa cybersecurity. Hindi kailanman ihahayag o ilalathala ang iyong pangalan, address, at numero ng telepono.
Top