Idinadaos ang Senso kada 10 taon para matukoy kung gaano karaming pondong pederal ang matatanggap ng bawat estado taon-taon para sa edukasyon, pangangalagang pangkalusugan, pabahay, at iba pang mga programa para sa panlipunang seguridad. Tinutukoy rin ng Senso ang pagkakabahagi ng mga puwesto sa Kongreso at pagkakaayos ng mga distrito sa lahat ng antas ng pamahalaan.
Alam mo ba….
- Ang Los Angeles County ay isa sa pinakamahirap-na-bilangin sa bansa
- At ang pinakamahirap-na-bilangin na lugar sa Los Angeles ay ang Distrito 9 ng Konseho
- Tinatayang bilyon-bilyong pondo pederal ang natatanggap ng Lungsod ng Los Angeles kada taon
- Nakakatulong ang data ng senso sa pagsulong ng pagpondo para sa mga programa tulad ng Medi-Cal, mga gawad ng Titutlo 1, mga gawad ng Espesyal na Edukasyon, SNAP (mga food stamp), Head Start, pagkukumpuni at konstruksiyon ng mga highway, tulay, kalsada, at marami pa
- Sa unang pagkakataon mula nang maging estado ang California noong 1850, nasayang ang pagkakataon nitong makakuha ng isang puwesto sa Kongreso pagkatapos ng Senso noong 2010 dahil sa lamang na bilang na tinatayang 13,000 indibidwal
- Masinsinang nakikipagtulungan ang Tanggapan ng Senso ng Alkalde sa County ng L.A. para maitama ang mga maling impormasyon tungkol sa 2020 Senso at hinihimok ang mga miyembro ng komunidad na makilahok.
Makukuha lamang ng L.A. ang pondo at representasyon sa kongreso na karapat-dapat para sa atin kung ang bawat isa ay kasama sa bilang. Para matugunan ang layuning ito, ang Tanggapan ng Senso ay:
- Magtitipon ng isang lokal na Komite sa Kumpletong Pagbilang (Complete Count Committee), ang sentro ng pagbabahagi ng impormasyon, pagpaplano, at pag-oorganisa ng mga pagsisikap sa pagbibigay ng serbisyo sa buong county
- Magtutukoy ng mga Mahirap-na-Bilangin na populasyon
- Magtatatag ng mga Puwesto sa Pagkilos para sa Senso (CAK), mga lokasyon kung saan maaaring makahanap ang mga indibidwal ng impormasyon at mapagkukunan o tumugon sa palatanungan ng Senso ng 2020 (kagaya ng mga aklatan, mga Manggagawa, Sentro ng Mapagkukunan ng Pamilya at Kabataan, mga laboratoryo sa pag-aaral ng computer, mga Sentro para sa Mas Nakakatanda, at iba pa)
- Kukuha at magsasanay ng mga Embahador para sa Pagtataguyod ng Senso (Census Goodwill Ambassador), mga boluntaryong maaaring magsilbing mga tagapagpadala ng mensahe para maiparating ang kahalagahan ng paglahok sa Senso
- Tulungan at suportahan ang mga naumpisahang pagsusumika ng mga organisasyong pang komunidad